
Dagat man ang pagitan ay tumulak pa rin para mabigyan katuparan ang pangako. Ito ang hatid ng Philippine Coconut Authority sa mga lumahok sa KAANIB program ng ahensiya sa nakalipas na checks distribution sa isla ng Polillo, lalawigan ng Quezon. Masayang tinanggap ng mga magniniyog mula sa iba’t-ibang bayan ng probinsya ang mga insentibo nila sa kanilang maayos na pagtatanim at pagpapalawig ng sektor ng agrikultura sa lalawigan. Ginanap ang distribution sa isla ng Polillo noong ika-15 ng Marso.



.jpg)
















