Si Irvin Maaño Alcala ay namulat sa larangan ng pulitika dahil sa pagbabagong dulot ng masidhing paglilingkod ng kaniyang ama na si Congressman Proceso Procy J. Alcala nang manungkulan ito bilang kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Quezon. Ito ang nagmulat sa kanyang murang edad sa tunay na kalagayan ng ating bayan kung kaya't sa edad na 33 ay tinanggap nya ang hamon na ipag-patuloy ang nasimulan ng kanilang pamilya.
Pangalawa at nag-iisang lalaki si Irvin sa tatlong anak ng mag-asawang Engr. Proceso Jaraza Alcala at ng kanyang may bahay na si Corazon Asuncion Gocon Maaño. Nag-aral at nakapagtapos ng elementarya at sekondarya si Irvin sa Maryhill Academy mula 1990 hanggang 1994 at kursong Inhinyero Sibil sa Mapua Institute of Technology taong 2000.
Napangasawa ni Irvin si Mimilanie Tadiosa at mapalad na nabiyayaan ng dalawang anak na sila Theoden Benedict T. Alcala, 4 na taon at Thor Benedict T. Alcala, 5 buwan.
Hindi lumaki sa luho si Irvin sa katunayan bata pa lamang siya ay natuto na syang maging masinop sa pamamagitan ng pagpasok bilang timekeeper sa kanilang maliit na kumpanya tuwing bakasyon at ang kanyang kinikita mula dito ang kanyang iniipon upang maipangbili ng bagong sapatos na pamasok sa pagbubukas ng klase sa kasunod na taon.
Nang makapagtapos siya ng kolehiyo ay agad niyang inasikaso ang kanilang munting negosyo upang makatulong sa kanyang pamilya.
Dahil sa pagkakaluklok bilang kinatawan ng kanyang ama, hindi nalingid kay Irvin ang mga pangangailangan ng kanyang mga kababayan na lalo pa niyang naramdaman ng maging aktibo siyang kasapi ng Rotary Club of Lucena South. Dito ay binigyang pansin nya ang Serbisyo Publiko at itinuon ang kaniyang atensyon sa lahat ng programa ng nasabing grupo upang makapaglingkod sa mga kapos palad nating kababayan.
Ang mahigit walong(8) taon niyang boluntaryong paglilingkod sa publiko ang siyang nagpasidhi sa kanyang pagnanais at nagtulak sa kanya upang tahakin ang landas ng pulitika.
Ang kanyang paniniwala sa paninindigan na sinimulan ng kanyang ama na tapat na pagsilbihan ang mga mamamayan ng Ikalawang Distrito ng Quezon ang kanyang naging gabay upang ipagpatuloy ang serbisyong bayan.
SAN ANTONIO: Pagbuo ng isang organisasyon pribado man o gobyerno na siyang mangangasiwa upang tumaas ang antas ng lahi ng mga alagaing hayop. Pagpapatayo ng mga nursery para sa mga pananim at pagbibigay ng mga pataba sa mga alagang hayop. Pagpapagawa at pagsasaayos ng San Jose National High School upang ilapit ang murang edukasyon sa mga mag-aaral dito.
DOLORES: Layunin ko na maging isa sa mga sentrong pang turismo ang bayan ng Dolores sa bansa. Palalakasin natin ang Eco-Tourismo sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga tour guides at porter kaalinsabay ang pagpapatupad ng Banahaw Bill upang mapangalagaan ang ating likas yaman. Pagpapaigting at pagpapalawak ng mga value crops production.
TIAONG: Dahil sa pagkakatatag ng Southern Luzon State University sa tulong ni Cong. Procy Alcala, minarapat kong suportahan at mas lalong palakasin ito ng sa gayon ay maging isa sa mga sentrong pangedukasyon sa lalawigan. Patuloy na pagtitibayin at susuportahan ang mga scholars para sa paglinang ng kanilang talino at magandang buhay. Paghikayat ng mga bagong mamumuhunan na magbibigay ng hanap buhay at libangan kaakibat ng pagiging sentro ng edukasyon nito.
CANDELARIA: Mapanatiling Desiccated Capital ng mundo ang bayan ng Candelaria. Sapagkat marami pa din sa mga kababayan natin sa Candelaria ang umaasa sa pag niniyog. Hinahangad ko din na maging isa sa mga sentrong pangkalusugan ng lalawigan ang bayan Candelaria. Mula sa pagiging Candelaria Municipal Hospital nito ay maging isang ganap na District Hospital ang nasabing pagamutan upang matugunan ang agarang pangangailangan ng ordinaryong mamamayan tulad ng mga simpleng karamdaman at ng hindi na sila kailangan pang lumuwas ng Maynila. Hinahangad din natin na madagdagan ang mga kagamitan ng nasabing ospital.
SARIAYA: Malayo na nga ang narating ng Sentrong Pamilihan, maganda na ito at matatag. Panahon na para pag yamanin at isulong ang industriyalisasyon sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga Processing Plants upang mapanatiling sariwa at dekalidad ang mga produktong gulay dito. Dahil mahigit sa 40% ng ating kababayan ay umaasa sa pagtatanim. Nais ko ring mapabilis na mapatapos ang Eco-Tourism Road upang maisulong ang agro-industry, at ang hinahangad natin na magkaroon ng Sabansaang Bagsakan ng Produktong Pang-agrikultura. Pagpapagawa ng karagdangang tulay sa Sariaya ng sa gayon ay maiwasan ang matinding daloy ng trapiko sa lugar at madaling makarating sa paroroonan.
LUCENA: Paghikayat ng mga bagong investors upang mamuhunan at lalong mapaunlad ang bayan. Pagkakaroon ng dayalogo sa mga kasalukuyang negosyante maliit man o malaki upang matulungan sila sa kanilang pagasenso. Kasama na dito ang pagsasaayos at pagpapasigla ng Lucena Fishing Port para sa mas madaling kalakalan ng produktong pandagat.
Bagamat madami na ang nakapagtapos ng kolehiyo mahigpit pa din ang labanan sa paghahanap ng trabaho. Dahil dito ay makikipag ugnayan tayo sa TESDA upang mahubog ang mga kakayahang pang bokasyonal at teknikal ng mga mamamayan at pagpapalakas din natin ang Alternative Learning System (ALS).
Alam nating na matagal na ding panahon na ipinaglaban ng ating mga kababayan ang kanilang karapatan para sa maayos na tahanan. Kung kaya't tutulungan nating makahanap kung hindi man ay maisaayos ang kinatitirikang lupa ng mga Urban Poor Communities.
Batid ng inyong lingkod na ang tunay na trabaho ng isang kongresista ay maghain ng batas sa Kamara na makakatulong sa mamamayan ng Ikalawang Distrito:
Ito po ang aking munting pangarap para sa ating distrito na maaring maisakatuparan kung ako po'y inyong pagkakatiwalaan tulad ng suportang ibinigay nyo sa aking ama sa mga nakalipas na panahon. Kasama ang iba pang lokal na kandidato.